Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lowry papasiklab sa Game 7

0 68

Mula 2-0 at 3-2, umahon ang defending champion Toronto para puwersahin ang Game 7 laban sa Boston.

Siklab ang winner-take-all ngayong araw taya ang isang tiket sa East finals.

Ayaw pang mag-impake palabas ng Walt Disney World ang Raptors, iginapang ang 125-122 double-overtime victory nitong Miyerkoles.

Anim na sunod na field goals ang ibinaon ng Raptors sa pangunguna ni Kyle Lowry para tapusin ang laro. Kabyos ang desperate 3-pointer ni Marcus Smart sa kabila sabay sa buzzer.

Tumapos si Lowry ng 33 points, 8 rebounds at 6 assists sa loob ng 53 minutes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.