Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lowry, VanVleet hihirit sa Game 3

0 65

Noong isang taon, nalubog ang Toronto sa Milwaukee 0-2 sa East finals pero nakabalik ang Raptors hanggang NBA title.

Nasa parehong butas ngayon ang Raptors, laban sa Boston naman sa second round.

Wagi Martes ang Celtics 102-99.

May Kawhi Leonard ang Toronto noon versus Bucks.

Kontra Boston, hindi makaporma sina Kyle Lowry, Fred VanVleet at Pascal Siakam. Ang dating nagliliyab na pulso sa labas ng arc, nanlamig. Pero tiyak na ayaw nilang malubog sa 3-0 mamaya.

Sa Game 2, combined 3 of 19 lang sa 3s sina VanVleet (19 points) at Lowry (16 pts), bagamat may tig-7 assists.

Agresibo si Siakam sa isinumiteng 17 points, 8 rebounds at 6 assists, may 20 points si OG Anunoby kaya lumamang pa ng double-digits ang Toronto.

Pero wala silang naisagot kay Marcus Smart sa fourth quarter.

Iwan ng 12, sa isang 3-minute stretch ay nagtuhog ng limang sunod na 3s si Smart kasama ang isang four-point play, at inagaw ng Boston ang manibela. Tumapos siya ng 19. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.