Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LPA binabantayan ng Pagasa

0 51

Isang low pressure area (LPA) na huling namataan sa Southern Luzon ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa maliit pa ang tyansa na maging bagyo ng sama ng panahon gayunpaman hindi nila inaalis na ang posibilidad na lumakas ito sa mga susunod na araw at maging ganap na bagyo.

Maliban sa LPA ay apektado rin ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang Palawan, Visayas at Mindanao. Habang ang ibang parte ng bansa ay mananatiling mainit ang panahon, kasama na ang Metro Manila. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.