Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LPA hahabol bago mag-New Year

0 134

Isang low pressure area (LPA) ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang taong 2021.

Saad ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa Disyembre 26 o Disyembre 27 tantyang papasok sa PAR ang LPA.

Habang maaari anila itong lumapit sa kalupaan ng Mindanao sa gabi ng Disyembre 29 o umaga ng Disyembre 30.

Samantala, dagdag ng Pagasa, nasa 60 porsiyento hanggang 70 porsiyento naman ang tsansa nitong maging isang tropical depression o bagyo. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.