Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LPA kumakaway na sa PAR

0 51

Nagbabadya na ang binabantayang low-pressure area (LPA) ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa 1,590 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, ayon kay Pagasa weather specialist Ezra Bulquerin.

“Nananatili pong may posibilidad na pumasok ito ng Philippine area of responsibility within the next 24 to 48 hours,” ani Bulquerin sa kanilang weather forecast kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaugnay nito’y magdadala pa rin aniya ang Amihan ng makulimlim na panahon at mahinang mga pag-ulan sa Northern at Central Luzon at ilang bahagi ng Southern Luzon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.