Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LPA magpapaulan sa Visayas

0 66

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mga residente ng Eastern Visayas na maging alerto sa inaasahang malalakas na pag-ulan sa loob ng susunod na 24 oras hatid ng namataan nilang low pressure area (LPA).

Ayon kay Pagasa weather specialist Chris Perez, ang LPA ay namataan sa Catarman, Northern Samar at inaasahang magdadala ng pag-ulan sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate at Visayas.

Binalaan ng ahensiya ang mga apektadong lugar hinggil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naman inaasahang magiging bagyo ang LPA bagkus ay matutunaw ito sa loob ng 24 oras, saad ng Pagasa.

Samantala, sinabing ang Metro Manila at ang malaking bahagi ng Luzon ay hindi apektado ng LPA at magiging maaliwalas ang panahon hanggang sa mga susunod na araw. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.