Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LPA nagbabadya – PAGASA

0 153

Isang Low Pressure Area (LPA) ang papasok sa bansa sa loob ng 24-oras.

Bagamat maliit ang tiyansa nitong maging bagyo ay magdadala ito ng pag-uulan sa loob ng susunod na 3 araw sa bahagi ng Eastern Visayas at Southern Luzon.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Benison Estareja, ang buntot ng LPA ay maghahatid ng ulan sa Aurora, Quezon, Camarines Norte at eastern portions ng Laguna at Rizal. Makakaranas din ng pag-uulan ang Metro Manila, Bulacan, Bataan at Batangas.

Magdudulot din ng ulan ang hanging amihan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province at Ifugao. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.