Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LPA naispatan sa Mindanao; Luzon pinalamig ng amihan

0 40

Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa Mindanao habang malamig na panahon ang asahan sa maraming parte ng Luzon dahil sa northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa update ng Pagasa kahapon, naispatan ang LPA sa 1,665 kilometro silangan ng Mindanao.

Bagama’t Wala pang direktang epekto sa weather condition ng bansa sa kasalukuyan ang LPA, sabi ni weather specialist Aldczar Aurelio.

Magdadala naman ang amihan ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain shower sa Metro Manila, Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon.

Localized thunderstorm naman ang magbibigay sa iba pang parte ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain shower. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.