Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LPA sa Mindanao nagbabanta

0 43

Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Mindanao.

Bagamat mababa pa ang tiyansa nitong maging bagyo sa loob ng susunod na 24-36 oras ay maaari naman itong magdulot ng pag-uulan.

Sa kasalukuyan ay wala pang direktang epekto ang LPA at ang nararanasang pag-ulan ay dulot pa rin ng hanging Amihan at Easterlies.

Nagbabala ang PAGASA na makakaranas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan sa loob ng 24 oras ang Biliran, Leyte, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Romblon, Marinduque, Aurora at Quezon.

Samantala natunaw na ang isa pang LPA na namataan sa bahagi ng Visayas at wala na itong anumang epekto sa rehiyon. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.