Abante Tonite Interactive

LPG delikadong i-refill sa butane canister – DOLE

219

Pinag-iingat ng Department of Energy (DOE) ang publiko sa mga butane canister na niri-refill ng liquefied petroleum gas (LPG) dahil delikado ito.

Ayon sa DOE, laganap ang pagre-refill ng LPG sa mga butane canister sa Visayas.

“These are fire and explosive hazards,” sabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi kahapon. “Don’t risk your lives and those of your children and loved ones.”

Abante Hiring – IT dep

Pinulong kahapon ng DOE ang mga LPG supplier sa Cebu City para ipaalam ang pakikipag-ugnayan nito sa Philippine National Police at mga local government unit kasama na ang pagsasampa ng kasong kriminal at admi­nistratibo sa mga mahuhuling nagre-refill ng LPG sa hindi tamang lalagyan.

Nabatid na simula 2017, nasa 72 kaso na ang isinampa ng DOE sa Visayas laban sa mga iligal na pagre-refill ng mga LPG. Karamihan dito ay sa Cebu at Bohol.

Mula sa nasabing bilang ay 42 kaso na ang naipanalo at pinagmulta at pinakulong dahil dito.

Pinaalalahanan ng DOE ang mga LPG supplie­r at marketer na tanging sa mga certified na establisimyento lamang ng DOE makipagtransaksyon. (Eileen Mencias)