Abante Tonite Interactive

LPG may bawas presyo

322

Kahit nasa matinding krisis na umiiral, may magandang balita pa rin ang ilang kumpanya ng langis sa bansa matapos na magpatupad ng big time price rollback sa kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) kaninang hatinggabi.(Abril 1).

Sa abiso ng Petron Corporation, kaninang alas-12:01 ng hatinggabi nagbaba ito ng P10.70 kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas na katumbas ng P117.70 na tapyas sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG nito.

Bukod pa rito, may bawas-presyo rin ang Petron na P6.00 kada litro sa auto-LPG na karamihan ito ang ginagamit ng mga namamasadang taxi.

Ang bagong pagbaba ng presyo ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman susunod din magbaba ng presyo ng lpg ang ilang pang kumpanya ng langis na kahalintulad din halaga na ipinatupad ng Petron. (Armida D. Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad