Abante Tonite Interactive

LPGMA Rep. Albano pumanaw na

208

Pumanaw na kahapon si Representative Rodolfo Albano Jr., ng Liquified Petroleum Gas Marketers’ Association (LPGMA) sa edad na 85.

Kinumpirma ito ng kanyang mismong anak na si Isabela Governor Rodito Albano.

Ayon sa gobernador, ganap na alas-sais nang gabi nang bawian ng buhay ang nakatatandang Albano sanhi ng heart failure.

Ibuburol ngayon sa Heritage Park sa Taguig City ang mga labi ng mambabatas kung saan nakatakda rin itong dalhin sa House of Representatives bukas, November 7. (JCC)