Abante Tonite Interactive

LRT-1, 2 sabay nagkaaberya

By
0 1,609

Sabay na nagka­aberya ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 kahapon nang umaga dahil sa problema sa signaling system at power interruption.

Batay sa abiso sa official Twitter account ng LRT-1, dakong alas-11:05 nang umaga nang ipatupad ang tigil-ope­rasyon dahil sa naging problema sa signalin­g system na mabilis namang nakumpuni.

Samantala, bago mag-alas-11:00 nang umaga, nagpatupad din ng limitadong operas­yon ang Line 2 ng LRT na biyaheng Santolan-Recto at vice versa.

Ayon kay Light Rail Transit Authority spokesman Atty. Hernando Cabrera, alas-10:58 nang umaga nang limitahan nila sa Santolan hanggang V. Mapa lang at pabalik ang biyahe ng mga tren.

Dahil naman ito sa power interruption na naranasan sa ilang lugar sa Maynila.

Alas-11:34 nang umaga nang maibalik na sa normal ang ope­rasyon ng LRT-2.