Abante Tonite Interactive

LRT-1 kontrata bubusisiin

160

Maghahain ng isang House Resolution ngayong araw ng Lunes si Rep. Eric Yap, ng ACT-CIS Party-list, upang hilingin na maimbestigahan ang kontrata sa pagitan ng pamahalaan at ng Light Rail Manila ­Corporation (LRMC) na siyang ­nangangasiwa sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ayon kay Cong Yap, ­kaisa siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sentimyento nito hinggil sa ­naturang ­kontrata na ­itinuturing niyang isang ‘­panlilibak’ sa ­Konstitusyon at mga umiiral na batas ng bansa.

Sinabi ni Cong Yap, talung-­talo ang pamahalaan sa kontratang ito dahil kung tama aniya ang kanyang ­kalkulasyon base sa ­hawak na pigura, ay kikitain na ng LRMC ang ­higit pa sa Project Concession Fee sa loob lamang ng apat na taon, ngunit binigyan pa rin ang priba­dong kumpanya ng ­32-taong exclusive rights sa pagpapatakbo ng LRT-1, na maaari pang palawigin ng hanggang 50-taon.

“I share the sentiment and frustration of the President on the LRT Contract between the government and the LRMC. The Concession Agreement is very lopsided in favor of LRMC and it is a mockery of our constitution and existing laws. If my figures are right, the Gross Revenue Amount reported by LRMC in just four years is ­already bigger than the ­Project Concession Fee, while the go­vernment bears the financial impact of this agreement,” ani Yap.

Tinawag rin niya ng ­pansin ang mga ­nangangasiwa sa kumpanya at sinabing, “­Hindi ko alam kung anong puso at konsensya ang meron kayo para ­lamangan ng ­husto ang ­gobyerno dito. Dapat ay ­mapanagot din ang mga ­government officials na gumawa, nag-review at nag-approve nito dahil hinayaan ­ninyo na ang mga kababayan natin ang nasa dehado sa agreement na ito.”