Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LRT-1 tigil operasyon ng 3 Linggo

0 41

Hindi bibiyahe ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) nang tatlong araw tuwing Linggo upang makumpleto ang mga kinakailangang gawin para ma-upgrade ang kanilang signaling system.

Nitong Lunes ay naglabas ng advisory ang Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator at maintenance provider ng LRT-1, at inanunsyo na suspendido ang operasyon ng kanilang tren sa tatlong Linggo o sa Nobyembre 28, 2021, Enero 23, 2022, at Enero 30, 2022.

“LRMC, together with its contractor, will be performing a series of test runs and trial runs along the LRT Line 1 on the identified dates to confirm the readiness of the new signaling system for LRT-1.”

Anila, ang railway signaling system ay ginagamit para magdirekta ng railway traffic at panatilihing malinaw o maluwang ang mga tren sa magkabilang panig. Katulad ito sa traffic light system pero para sa mga tren. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.