Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LRT-2 biyaheng Antipolo umpisa Hunyo

0 309

Inanunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade kahapon na magsisimula na ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 extension sa buwan ng Hunyo.

Magkakaroon aniya ng dalawang istasyon ng LRT-2 mula sa Marikina City papuntang Masinag sa Antipolo City.

Binisita ni Tugade nitong Huwebes ang dalawang bagong istasyon na magkokonekta sa biyahe ng LRT-2 mula sa Recto Station papuntang Antipolo Station.

SM food to go Banner Ad

“Kasalukuyan po tayong nagsasagawa ng isang inspeksyon sa LRT-2 Antipolo Station, na sa susunod na buwan ay pormal nang bubuksan,” anuniyo ni Tugade.

Kapag tumakbo na aniya ito ay magiging 40 minuto na lamang ang biyahe mula sa Maynila papuntang Antipolo kumpara sa tatlong oras kapag sumakay ng bus o jeep. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.