Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LRT-2 sinuspinde biyahe sa aberya

0 114

Pansamantalang itinigil ang pagbiyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) nitong Linggo ng hapon.

Sa abisong inilabas ng pamunuan ng LRT-2, bandang alas-4:16 kahapon ng hapon nang itigil ang operasyon sa lahat ng kanilang istasyon nang magka-problema sa ‘signaling system’.

“LRT 2 operations are temporarily suspended due to a signaling fault. Intervention is ongoing. We are sorry for the inconvenience.”

Ayon kay LRT Line Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, dahil dito, pansamantala nilang inihinto ang biyahe mula Masinag (Antipolo) Station hanggang Recto Station at pabalik.

Habang isinusulat ito ay patuloy pa rin ang pagsasaayos ng kanilang mga technician sa nasabing problema.

Samantala, sa Betty Go Station sa Aurora Blvd. ay pansamantalang nilagyan ng harang at walang pinapasakay na mga pasahero sa magkabilang entrada nito. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.