Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LRT 2 wala muna ticket seller

0 242

Hindi muna magtatalaga ng mga ticket seller ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para na rin sa proteksyon ng kanilang mga empleyado at pasahero laban sa nakahahawang coronavirus disease 2019 (COVID19).

Ayon kay LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera, sa mga vending machine na lang muna makakabili ng ticket ang mga sasakay sa LRT Line 2 na biyaheng Santolan-Recto.

Nilinaw din nito na hindi tinanggal sa trabaho ang mga teller ng LRT-2 dahil patuloy pa rin silang magtatrabaho para umalalay sa mga pasahero partikular sa mga unang pagkakataon pa lang sumakay o kinakailangan ng assistance mula sa mga LRT personnel. (Vick Aquino/Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.