Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LRT2 tigil operasyon sa March 31-April 3

0 249

Inanunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na hindi bibiyahe ang Light Rail Transit Line (LRT-2) mula Marso 31 hanggang Abril 3, upang bigyang daan ang paggunita sa Semana Santa.

Sa inilabas na advisory nitong Lunes, sinabi ng LRTA na may operasyon pa rin sila sa March 29 simula 5:00am at ang huling commercial train ay aalis sa Santolan ng 8:30pm habang sa Recto ay 9:00 pm.

Sa abiso, sa March 30 ay paiikliin naman ang kanilang operasyon mula 5:00am hanggang 8:00pm – (Recto-Santolan; Santolan-Recto).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang normal operating hours ay magbabalik sa Sunday, April 04, 2021.

Una na ring naglabas ng schedule ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) para sa Holy Week at sa abiso ng MRT sa March 26 at 27, 2018, Lunes at Martes Santo, mananatiling normal ang kanilang operasyon.

At pagsapit ng March 28, Miyerkules Santo hanggang sa April 1, Easter Sunday ay wala silang operasyon. (Dolly B. Cabreza

Leave A Reply

Your email address will not be published.