Abante Tonite Interactive

LT nakapukpok ng ulo

657

Nag-Darna pala dati si Ms. Lorna Tolentino sa telebisyon nu’ng 14-anyos siya at ipinalabas ‘yon sa Channel 9.

In fairness ay si Ms. LT raw ang unang Darna sa TV at one piece bathing suit ang kanyang costume.

Parang naka-12 episodes daw ‘yung “Darna” niya at na-enjoy niya naman ang pagganap dito. Kaya lang, sa tagal ay hindi na niya matandaan kung sino ang gumanap na Ding, kung sino ang leading man niya at kung sino ang na-ging Valentina.

Sana nga raw ay may kopya pa nito kahit sa YouTube man lang para mapanood. Ang naaalala niya ay meron siyang nakaeksenang lalaki na napukpok niya sa ulo at totohanan ang pukpok niya kaya nabukulan ito.

Medyo traumatic daw ‘yon para sa isang bagets na katulad niya bilang teenager lang siya that time.

Napanood pala ni Ms. LT ‘yung Darna video ni Nadine Lustre sa YouTube at sabi niya ay bagay kay Nadine ang mag-Darna.

Magsasama sila dapat ni Nadz sa isang horror movie, kaya lang ay hindi ‘yon natuloy. Gusto pa rin daw niyang makatrabaho ang Kapamilya actress.

Parang sakto sa Mother’s Day ang launching ni Ms. LT kahapon bilang bagong celebrity endorser ng Beautederm.

50 years na siya sa showbiz, pero wala sa itsura ng premyadong aktres na 57-anyos na siya dahil gandara pa rin siya.

Lily na raw ang tawag sa kanya ‘pag lumalabas siya bilang ‘yun ang karakter niya sa “Ang Probinsyano.”

Ang daming mukha ni Lily at marami na raw gustong pumatay dito.
Ani Ms. LT, maraming inspirasyon ang role niya na ‘yon, hindi lang si Janet Napoles gaya ng sinasabi ng marami.

Sobrang nag-e-enjoy siya working with Coco Martin at hindi raw ito nagbabago. Kahit anong pagod ay naka-focus pa rin daw si Coco sa trabaho at ang mga artista ay inaalagaan nito nang husto.

One month lang dapat ‘yung karakter ni Ms. LT, pero na-extend ito nang na-extend at mukhang hanggang September pa raw si Lily.

Sey ni Ms. LT, nakakatulong ang Beautederm sa pagpapaganda niya lalo na sa mga magdamagang taping.

10 years na ang Beautederm, na ang sabi ng batikang aktres, bukod sa maganda ang produkto ay puwede pang kumita ang mga mother dito.

Tonight ay may Mother’s Day dinner lang daw si Ms. LT kasama ang 2 sons niyang sina Rap at Renz with her 7-year-old apo na si Tori.

***
Anton Diva kinumpirmang magsyota sina Vice-Ion

Naipakilala na ni Vice Ganda sa close friend niyang si Anton Diva ang nobyo niyang si Ion Perez.

Sa backstage ng Araneta Coliseum nu’ng Valentine concert nina Vice at Regine Velasquez na-meet ni Anton si Ion.

Feeling ni Anton ay hindi pa sina Vice at Ion nu’ng time na ‘yon. Wala raw sinasabi sa kanya si Vice tungkol sa relasyon nito with Ion pero alam niya raw na masaya ang friend niya sa kung anong lovelife meron ito ngayon.
At sana nga raw ay seryoso ang relasyon nito dahil deserved nito ang magkaroon ng boyfriend na puwede nitong ipakilala sa lahat at hindi ‘yung itinatago.

Hindi raw direktang inamin sa kanya ni Vice, pero may nagsabi sa kanyang dyowa na nito si Ion.

“Alam naman nating lahat na sila na, ‘di ba? Bago i-air ‘yung kay Ma’am Charo (Santos na guesting) sa ‘GGV’ noon, ‘yun ‘yung nag-confirm, ‘di ba?
“So, ‘yun na ‘yon. Kung anuman ang meron sila, let’s all be happy for them,” bulalas ni Anton.

Sina Vice at Regine ang special guest ni Anton sa kanyang big concert sa Cuneta Astrodome na “Anton Diva: SHINE XXII AD”sa June 15 na produced by TOES ni Teri Onor.

Si Gerald Anderson pala ang pantasya sa showbiz ng nakilalang Regine Velasquez impersonator at kaboses talaga ni Songbird na si Anton. Wish niya na sana ay makanood ng pasabog niyang concert si Gerald.