Abante Tonite Interactive

LTFRB atras sa ban sa bulilit na TNVS

By
1,670

ISASANTABI muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ipinalabas nitong Memorandum Circular 2018-003 na maglilimita sa 45,000 sa mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) na maaaring bumiyahe sa kalsada kada araw gayundin ang pagbabawal sa mga bulilit na sasakyan.

Ang desisyon ng LTFRB ay kasunod na rin ng naging rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na pag aralan muna ang nasabing hakbang.

“Balik muna tayo sa list na ito. Babalikan namin and then we will also have to look at the demand side again,”paliwanag ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

Maging ang mga hatchbacks o maliliit na sasakyan na ginagamit ng Uber at Grab ay papayagan na din muna ng LTFRB na bumiyahe na una nilang nais na ipagbawal dahil na rin sa isyu ng proteksyon ng pasahero.