Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTFRB: Bawal pa `standing’ sa mga bus, jeep

0 262

Biglang binawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naunang pahayag na puwede na ang tayuan kapag tinaasan na ang kapasidad ng pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, binawi nila ang naunang desisyon upang hindi magkaroon ng kalituhan sa mga tsuper at pasahero.

“Nakita po natin na baka magdudulot ng kalituhan kung meron pong nakatayo sa loob na makikita natin sa mga pampublikong sasakyan. Minarapat na lang po natin na i-reconfigure kung saan po puwedeng umupo sa loob ng pampublikong sasakyan so that we’ll be able to commit to the increase in passenger capacity up to 70 percent,” paliwanag ni Delgra sa isang media conference kahapon.

Kasabay nito, ipinakita ni Delgra ang seating capacity plans para sa mga bus, jeep at UV Express van.

SM food to go Banner Ad

Binigyang-diin nito na kailangang sumunod pa rin ang publiko sa mga ipinatutupad na health protocol kapag sumasakay sa mga pampublikong transportasyon katulad ng face mask at face shield.

Simula ngayong Huwebes, Nobyembre 4, ang 70 porsiyentong kapasidad sa mga bus, jeep at maging mga tren.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Mark Steven Pastor, epektibo ito sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bilang paghahanda na rin umano para sa papalapit na Pasko. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.