Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTFRB binanatan sa magulong ayuda

0 63

Pinuna kahapon ng isang opisyal ng transport group ang paraan ng pamamahagi ng fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil marami pa rin ang hindi nakakakuha nito.

Inilahad ni Orlando Marquez Sr., presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOP, sa panayam ng Teleradyo na batay umano sa kanilang imbentaryo ay nasa 35 porsiyento pa lamang ng mga tsuper ng dyip ang nakakuha ng ayuda.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit ni Marquez na marami ang hindi pa nakakakuha ng fuel subsidy dahil sa napakaraming requirements na hinihingi.

“Ang dami kasi ang `di makapag-comply dahil napakaraming requirements dahil doon sa mga memorandum circular nila na hindi akma doon sa mga sistema na sila ang nagke-claim,” ayon kay Marquez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.