Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTFRB binasbasan operasyon ng mga school service

0 40

Binasbasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga school transport service na muling bumiyahe para sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Ayon sa LTFRB, ang mga school transport service na may aktibong Certificate of Public Convenience (CPC) o Provisional Authority (PA) ang papayagang magbalik sa lansangan.

Gayundin, aprubado rin ng ahensiya na bumiyahe ang mga school transport service na may pending na Application for Extension of Validity kahit pa paso na ang CPC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Transport services with expiring CPCs dating from 31 March 2022 to 31 August 2022 have been allowed to file an application for Extension of Validity, with the LTFRB waiving penalties,” saad ng LTFRB.

Ang school year 2022-2023 ay magbubukas sa Agosto 22, ngunit ang pagbabalik sa face-to-face setup ay kasado na simula Nobyembre. (Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.