Abante Tonite Interactive

LTFRB dapat papanagutin din sa trapik sa EDSA

0 232

Nakatuon ngayon ang pansin ng lahat sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa napa­kabigat na problema ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at iba pang pa­ngunahing lansangan sa Metro Manila.

Naglunsad ng mga bagong traffic scheme. ang MMDA at kanilang dito ang desisyon nila na ipagbawal ang mga provincial bus sa EDSA na kasalukuyang pi-nigil ng korte.

Pero ang totoong ugat ng problema ay ang volume o sobrang dami ng sasakyan ang nasa kalsada.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa pinakahu-ling datos ng MMDA ay ang saktong bilang ng behikulo ang maa-ring dumaan sa EDSA ay hanggang 235,000 lamang.

Pero sa ngayon ayon kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, umano’y sa 386,000 hanggang 402,000 ang dumadaan araw-araw ngayon sa EDSA.
Halos dumoble na ang volume samantalang hindi naman lumapad ang kalsada sa EDSA.

Pero ang hindi napapansin ng lahat ay ang nakadagdag sa problema sa EDSA ay ang LTFRB na siya ang may kontrol ng prangkisa at permiso sa mga bumibiyahe sa lansangan.

Libo-libo ang nadagdag na sasakyan ng mga TNVS sa kalsada na kagagawan ng LTFR­B na siyang nagdagdag ng volume sa EDSA.

Biglang nabago na rin ang business model ng TNVS na dati ay ride s­haring pero ngayon ay nagmistulang isang panibagong prangkisa ng mga taxi pero ang singil sa pasahe ay hindi regulated na dehadong-dehado ang mga commuter.

Bukod pa sa kabiguan ng LTFRB na rebyuhin ang lahat ng prangkisa upang mabalanse ang dami ng sasakyan sa bawat ruta o lugar para maserbisyuhan ang lahat ng mananakay.

Dapat ay ang LTRB ang pagpaliwanagin kung bakit lalong lu­mala ang problema sa trapiko sa EDSA na kahit anong gawin pang traffic scheme ay hindi magtatagumpay ang MMDA kung ang volume ang siyang pangunahing ugat ng problema.