Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTFRB inaprub taas pasahe: P11 sa luma, modern jeepney P13

0 81

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag na pasahe sa mga pampasaherong dyip sa Metro Manila, Region 3 (Central Luazon) at Region 4-A (Calabarzon) simula sa Hulyo 1, 2022.

Ibig sabihin, magiging P11 na ang minimum na pasahe sa mga tradisyunal na dyip habang P13 naman sa modern jeepney.

Habang sa ibang lugar naman na hindi nakapagpatupad ng dagdag-pasahe, inaprubahan ng LTFRB ang P2 mininum na pasahe

SM food to go Banner Ad

Matatandaang may ilang lugar sa bansa na hindi nakasabay sa taas-pasahe ng National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4, partikular noong Hunyo 8 kung kailan ipinatupad ang malakihang dagdag-presyo sa diesel na umabot ng P6 kada litro.

Samantala, nilinaw ng LTFRB na walang dagdag sa pasahe para sa mga susunod na kilometro kapag lumampas sa apat na kilometro ang biyahe ng dyip.

Sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion na epektibo ang dagdag-pasahe sa Hulyo 1. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.