Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTFRB kinalampag ng Malacañang sa distancing

0 222

Tinawag ng Malacañang ang pansin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa natatanggap na report na hindi na nasusunod ang one-meter rule sa mga pampasaherong bus.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangang kumilos ang LTFRB at mahigpit na ipatupad ang polisiya sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero laban sa COVID-19.

“We are getting reports na even with the one-meter rule, marami raw bus na siksikan na, so kinakailangan talaga na ipakita ng LTFRB na bagamat tinaasan natin ang transportation availability, eh importante pa ring masunod ang mga health protocols dahil baka naman tayo po ay magkasakit,” ani Roque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kailangan aniyang sumunod ang sektor ng transportasyon sa mga ipinatutupad ngayong panuntunan para masigurong hindi makompromiso ang kalusugan ng mga pasahero na pumapasok sa trabaho.

Sinabi ni Roque na unti-unting binubuksan na ang ekonomiya subalit hindi gugustuhin ng gobyerno na malagay naman sa peligro ang buhay ng publiko dahil sa hindi pagsunod sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Nanawagan din ang kalihim sa publiko na laging unahin ang pag-iingat at sumunod sa mga health protocol para makapagpatuloy ng kanilang hanapbuhay.

“Ang ating panawagan po ay kaya naman pong magtrabaho muli, pag-ingatan lang natin ang mga buhay para tayo ay makapaghanapbuhay,” wika ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.