Abante Tonite Interactive

LTFRB may babala sa Arcade City

By
1,168

Nagbabala ang Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) sa Arcade City na huwag ipagpatuloy ang plano nitong paglulunsad ng ride hailing app.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, LTFRB board member, mayroon silang “cease and desist” order sa naturang kompanya na naglalayong ipawalang-bisa ang ride hailing app ng Uber.

Idinagdag pa ng opisyal na ang Arcade City ay walang mga papeles o kahit na nakabinbin na mga application sa LTFRB kaya malalagay lang umano sa panganib ang mga pasahero sakaling itulak nila ang paglu­lunsad.

Paliwanag ni Lizada, ang mga driver ng Arcade City na mahuhuling magbibiyahe ay papatawan ng multang nagkakahalaga ng P120,000, habang ang kanyang sasakyan ay ii-impound nang 3 buwan.

Ayon pa sa LTFRB, hindi ito magdadala­wang-isip na magsampa o magsagawa ng legal actions laban sa natu­rang transport network company sakaling ipagpatuloy nito ang palulunsad ng app.