Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTFRB office sa QC 1 week sarado

0 244

Isang linggong isasara ang central office ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City makaraang limang empleyado nito ang nahawa ng COVID-19.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, temporaryong sarado ang opisina mula July 13 hanggang 17 para sa disinfection. Dagdag nito, bagama’t may nagpositibong empleyado, mahigpit namang sinusunod ng ahensya ang mga safety protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, paggamiti ng alcohol at disinfection sa opisina.

Inabisuhan naman ni Delgra ang publiko na gumamit ng online method para sa kanilang transaksyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.