Abante Tonite Interactive

LTFRB umaming pumalpak sa e-jeep

433

Inamin ng Land­ Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaling masira at mahirap magpagawa ng mga electric jeepney.

Tinututulan ng mga jeepney dri­vers ang pagpupumilit sa kanila ng administrasyong Durterte na palitan ang kanilang mga diesel na jeep ng electric jeepney o ang mga tinatawag nitong modern PUJ o electric PUJ.

Bukod sa mas mahal ang mga ito kaysa sa traditional na diesel na jeep, madali kasi itong masira at mas mahal pa ang piyesa pagpapaayos.

“Modern PUJ operators may find that owning and operating an environment friendly vehicles are actually more costly to maintain and repair than a traditional vehicle (nakikita ng mga operator ng modern PUJ na mas mahal itong imaintain at ipaayos),” ayon sa LTFRB Memorandum Circular No. 2019-061,

Mas malaki umano ang magi­ging gastusin kapag nasira ang mga e jeepney. (Eileen Mencias)