Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTFRB walang rekord ng mga naapektuhang driver, operator

0 116

Sinabon ni Senadora Nancy Binay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil hindi nito ang alam ang bilang ng mga jeepney driver at operator na naapektuah na rasyonalisasyon ng ruta sa pampublikong sasakyan.

“Unacceptable na hindi ninyo alam kung ilan sa mga jeepney drivers ang hindi na makakabalik,” sabi ni Binay kay LTFRB chief Martin Delgra sa pagdinig ng 2021 budget ng Department of Transportation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi po ba dapat, Atty. Delgra, alam n’yo kung ilan ang mga kasamahan natin, ilang jeepney drivers na kababayan natin ang hindi na talaga makakabalik at makakapasada?” tanong pa nito.

Sinabi naman kay Delgra na 21,880 units ng mahigit 50,000 dyip sa Metro Manila ang pinayagan nang bumiyahe sapul nang paluwagin ang restriksyion, kasama na ang 900-plus na modernong mga dyip.

“Paano po natin ngayon ipa-pursue ang modernization program kung hindi pa tapos itong route rationalization?” patanong pa ni Binay. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.