Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTO exec dinikdik ng NBI sa `padulas’

0 86

Ni Nancy Carvajal

Kasalukuyang kinakalkal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga alegasyon laban sa isang regional director ng Land Transportation Office (LTO) sa Eastern Visayas na humihingi diumano ng pera mula sa pinakamalaking distributor ng mga motorsiklo sa naturang rehiyon.

Nabatid na pinaimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa NBI-Special Action Unit ang mga reklamo ng mga may-ari ng Des Marketing, Des Strong Motors, Desmark Corporation, Premio Corporation at Du Ek Sa. Inc. laban kay LTO Region 7 Director Victor Emmanuel Caindec.

Base umano sa reklamo, lumabag si Caindec sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Anti-Red Tape Act.

“I accused Director Caindec of demanding “SOP” payments otherwise known as under the table fees, for all transactions of our business before the LTO Region V11,” base sa kopya ng sworn affidavit ni Marvin Ken Du, Board chairman ng limang motorcycle company, na napasakamay ng online news site Bilyonaryo.

Sinabi pa ni Du sa kanyang affidavit na pinahirapan diumano ni Caindec ang kanilang mga kompanya katulad ng pagpigil na ilabas ang official receipts (OR) at certificate of registrations (CR), kinansela ang kanilang mga accreditation, daily store inspection at audit.

Binanggit ni Du na nagsimula umano ang kanilang problema kay Caindec matapos na itigil nila ang pagbabayad sa isang Allan Lim, na nangongolekta umano ng karagdagang P500 kada motorcycle registration, bukod pa sa LTO officials fees noong 2019.

“We did not understand this setup because as far as we know, our

personnel transact directly with LTO,” sabi ni Du.

Tinangka umano nilang kausapin si Caindec para sabihin dito na gusto na nilang itigil ang pagkuha sa serbisyo ni Lim subalit bigo lahat ng kanilang pagtatangka na makausap ang LTO official. Binalaan din umano sila ng ibang LTO employee na mapapahamak ang kanilang negosyo kapag pinaalis nila si Lim.

Subalit noong Pebrero 2020 ay nakipag-usap na rin umano si Caindec sa mga nagrereklamo sa kanyang opisina sa Mandaue City.

“During the meeting, he said that he could not remove Allan Lim as there were dragons behind Allan Lim. He tried to convince us that we were already in First Class Seats, and like in an airplane, there are only a limited number of first class seats available and we should be thankful for it as there were others willing to take our seats,” lahad ni Du

sa kanyang affidavit.

Bukod sa affidavit ni Du, sinumite rin ng PACC sa NBI ang iba pang sinumpaang salaysay, mga specific dates of submission, payment of fees at mga pag-isyu ng OR/CR sa mga bumili ng motorsiklo.

Dagdag pa ni Du, maraming kustomer na ang nagagalit matapos kanselahin ang kanilang accreditation at pinigilan ang paglalabas ng OR/CR kaya apektado na rin ang kita nila.

Sinikap ng Bilyonaryo na makuha ang panig ni Caindec subalit hindi ito makontak hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

Subalit sa mga nakaraang report ay itinanggi na umano ni Caindec ang mga alegasyon laban sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.