Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTO exec gigisahin sa extortion

0 106

Nasa hot seat ngayon ang Regional Ditector ng Land Transportation Office (LTO) sa Central Visayas dahil sa umano’y mga reklamo ng katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na si Director Victor Caindec ang tinukoy nitong opisyal sa kanyang press briefing noong Lunes na sangkot sa umano’y mga anomalya dahil sa delayed na pagpapalabas ng mga plaka at stickers ng motorsiklo sa Central Visayas region.

Ayon kay Roque, naiparating na niya kay LTO Chief Martin Delgra ang mga reklamo laban kay Caindec at may affidavit ito na nangingikil umano ang opisyal sa mga distributor ng motorsiklo sa rehiyon.

SM food to go Banner Ad

“Yes, I was referring to Caindec. I have affidavits to prove na kinikikilan niya yung mga motorcycle distributor, and this is a matter of public documents already,” ani Roque.

Dahil sa reklamo laban kay Caindec, pinayagan ang registration ng mga motorsiklo na gawin sa labas ng Cebu kaya halos lahat ng motorcycle dealers ay sa ibang lugar na nagpaparehistro ng motorsiklo.

Sinagot ni Roque ang kuwestiyon ni Caindec sa motibo nang pagpapasibak sa kanya sa puwesto na aniya ay katulad din ito ng kanyang krusada laban sa korapsiyon sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at sa ilan pang government owned and controlled corporations (GOCCs).

Matatandaang sa isa sa mga talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nabanggit nito ang isyu ng korapsiyon sa regional office ng LTO sa Visayas Region subalit hindi pinangalanan ang opisyal sa warning nito. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.