Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTO, LTFRB tinengga Road Speed Limiter Law

0 247

Hiniling ng isang mambabatas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na obligahin ang mga city bus na bumibiyahe sa EDSA na magkabit ng speed limiter upang maiwasan ang aksidente na dulot ng overspeeding.

Sa pagdinig kamakailan ng House committee on transportation na pinamumunuan ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, pinaalalahanan nito sina LTFRB chair Martin Delgra at LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante na ang paglalagay ng speed limiter sa lahat ng pampasaherong bus ay hindi dahil sa ipinatupad na bagong bus set-up sa EDSA kundi ito´y malinaw na nakasaad sa Republic Act No. 10916 o Road Speed Limiter Act of 2016.

Ayon pa kay Sarmiento, nakalulungkot na nagiging walang silbi ang naturang batas dahil ang mga ahensyang inatasang magpatupad nito ay hindi ginagawa ang kanilang mandato. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.