Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTO: Mga fixer talamak sa Facebook

0 211

Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko dahil umabot na sa Facebook ang mga fixer at scammer.

Sa advisory ng LTO, inalarma nila ang publiko sa isang Facebook page na may pangalang LTO License Assistance Center (@OfficialLTOlicenseassistance).

SM food to go Banner Ad

Ayon sa ahensiya, naniningil umano ang naturang page ng P3,500 hanggang P6,500 para sa pagproseso ng driver’s license.

“These scammers are encouraging fixing through non-taking and non-appearance in the driver’s license exam,” saad ng LTO.

Babala pa ng ahensiya, posibleng magamit sa identity theft ang mga pribadong impormasyon na ibibigay sa mga fixer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.