Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTO online na pagsuri sa violation

0 164

Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na mas pinahusay pa ang kanilang Land Transportation Management System (LTMS) at ang Driver Education Program (DEP) sa pamamagitan ng paggamit ng online management system para sa mas epektibong monitoring ng mga paglabag at penalty na may kaugnayan sa pag-aaplay ng driver’s license.

SM food to go Banner Ad

Iminamandato ng bagong online system ng LTMS na lahat ng driving schools, kinatawan at accredited instructors nito na magdala ng accreditation certificate sa LTO office na pinakamalapit sa kanilang driving school hanggang nitong Agosto 30, 2020.

Sakali naman umanong hindi pa available ang LTMS, ang mga officer ay inaatasang i-scan at i-upload ang driving course certificate of completion sa pagproseso ng driver’s license. Dapat rin umanong tiyaking authentic ang mga naturang sertipikasyon. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.