Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTO pinutakte ng reklamo sa vehicle inspection

0 167

Pinuna ng isang opisyal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang nilatag na Private Motor Vehicle Inspection System (PMVIS) ng Land Transportation Office (LTO).

Sa panayam ng `Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, giniit ni VACC president Arsenio Evangelista na hindi dumaan sa public consultation ang naturang sistema kung saan idadaan ang mga sasakyan sa Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) para masuri sa roadworthiness.

Pinunto ni Evangelista na posibleng mapasok ng korapsyon ang naturang mga center, kung saan binigay nitong halimbawa ang isang sasakyan ng BMW.

Aniya, isang kotse ang pinasuri sa PMVIC kung saan bumagsak sa unang subok at nagbayad ng P1,800 para sa testing.

“Nagbayad siya ng P1,800 tapos mayroon siyang retry. Doon sa retry nagbayad siya ng P800, `yon lang just to get the certification of clearance na puwede mo ng mairehistro,” lahad ni Evangelista.

Aniya pa, dinala ng driver ang kanyang sasakyan sa casa, at nang tingnan ay wala namang nakitang mali sa unit.(Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.