Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTO sisipain palpak na IT provider

0 48

Sisipain na ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang German IT provider na Dermalog dahil sa mabagal nitong pagproseso sa driver license at pagkakasangkot sa kasong kriminal.

Sa press briefing ng 1st LTO Regional Directors’ Conference sa Quezon City kahapon, kinumpirma ni LTO Asst. Secretary Teoofilo Guadiz lll na kabilang sa mga plano ng LTO ang pagpapalit ng IT provider dahil sa palpak nitong motor vehicle registration system at mabagal na pagproseso ng lisensiya.

Panahon na aniya para palitan ang Dermalog dahil apektado ang imahe ng LTO sa mga post sa social media ng mga dismayadong aplikante.

Nadadamay din umano ang LTO sa kasong qualified theft na isinampa sa Dermalog ng local partner nito na Verzontal Builders’ Inc. sa Quezon City Prosecutor’s Office noong 2021 nang pumasok sila sa joint venture kasama ang Holy Family Planning Corp., at Microgenesis Software, Inc., para sa bidding ng P3.19 bilyon na Road Transportation Infrastructure Project na may kinalaman sa Land Transportation Management System (LTMS)’

Kasabay nito’y sinabi ni Guadiz na bukas ang LTO para sa mga IT provider na nais lumahok sa kanilang pa-bidding ng pagproseso ng lisensiya upang maibsan ang problemang kinakaharap ng ahensya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.