Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LTO walang memo sa vehicle inspection suspensiyon

0 87

Binatikos ni Senadora Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) sa kawalan ng pormal na memorandum ukol sa pananatiling optional at hindi mandatory ang pag-iinspeksiyon ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) na nag bunsod ng kalituhan sa mga motorista.

“‘Yan ay napaka-unprofessional. Ano banaman ‘yung isang page na ipa-type ninyo, ipa-press release na ninyo kung hindi niyomapaabot o ma-email sa mga regional directors ninyo,” ayon kay Poe.

Sa Senate finance subcommittee hearing saDepartment of Transportation (DOTr) budget ay kinuwestiyon ni Poe ang prayoridad ng LTO kung nais ba talaga nitong matiyak ang‘roadworthiness’ ng mga sasakyan o gusto lamang tumulong punuin ang bulsa ng iilangtao dahil sa hindi pagsunod sa tamangproseso.

Ang tinutukoy ni Poe ay angkuwestiyunableng bidding sa PMVICs na hindidumaan sa due process na inaasahan sa mgapublic-private partnership. (DindoMatining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.