Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lubos na pagtitiwala ang inaasahan sa atin ng Diyos!

0 73

Ang Ebanghelyo ngayong Ika-28 Linggo ng Karaniwang Panahon (Mc: 10: 17-27) ay tungkol sa engkwentro ni Hesus sa mayamang binata na nagtatanong kung paano niya makakamit ang gantimpala ng langit matapos sundin ang mga panuntunan ng Diyos na mababasa sa aklat ng mga Levitico (11:44). Paniwala kasi ng mga Hudyo na nasa pagsunod sa Batas matatamo ang Kaharian ng Langit.

Saad ng Mabuting Balita, “Magiliw siyang tinignan ni Hesus at sinabi: isang bagay pa ang kulang sa iyo. Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamigay mo sa sa mga dukha ang pinagbilan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit.” Di inaasahan ng binata ang sagot ng Guro. Nagulat ito sa hamon sa kanya ng Panginoon upang maging isang alagad matapos tupdin ang kanyang hamon.

Sabi ng Ebanghelyo, umuwi ang binatang malungkot. Puna ng Simbahan, “The rich young man left sad because he was not able to respond generously to Christ’s demand of absolute trust in him. Christian discipleship invoves renunciation of human assurances and security. Jesus is the true wealth besides which everything pales in comparison. To follow Jesus is to pursue and make a radical choice for absolute good!”

Marahil iisipin natin, sobra naman si Hesus sa mayamang binata. Maaring habang buhay na nagsikap ang lalaking iyon para magtamasa ang kung anong mayroon siya. Gayunman, ang totoo, lahat ng kung anong mayroon tayo ay galing sa Diyos. Sa isaang iglap ay maaring malawa ang lahat katulad ng nasasaksihan natin ngayong panahon ng pandemya. Malinaw ang hamon sa atin ng Panginoon: Ano pa ang kaya mong isuko para sa akin?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paliwanag ng Simbahan, “the enormity of the challenge is expressed in the Semitic hyperbole of a camel passing through the eye of the needle. It is a choice of a loving and discerning heart. It is a choice made possible by the grace of God since all things are possible with him. The true option for Christ, the ‘Treasure of all Treasures’ is guided by the wisdom of the heart. And this radical challenge is addressed to us all.”

Samakatuwid, hamon sa atin ang kung ano pang kaya nating talikdan para sa Diyos? Minsan lang kasi tayo daraan sa mundo, kaya’t habang may panahon at pagkakataon pa, lahat nawa ng ating desisyon ay magsilbing tagahatid natin sa langit. Huwang nawa tayong lumisan sa mundong ibabaw nang malungkot dahil sa maraming bagay na pagsisisihan; sapagkat kung si Hesus ang tangi nating yaman, tiyak na uuwi tayo sa tahanan ng Ama nang may nag-uumapaw na galak!

Hindi kailangan ng Diyos anumang bagay, iisa lang ang inaasahan niya sa atin— ang ating lubos na pagtitiwala! Kaya payo ng Simbahan sa tanan ngayong Linggo: “Let us beg God for the grace to put our full trust in Jesus, to resolve to follow him, giving him love for love, life for life. Let us ask his help to let go of the ‘riches’ of this world: our self-importance, our self-centeredness, our pride, our sensuality; and discover the blessing of abandoning all to Him.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.