Abante Tonite Interactive

Lucas at Tim (2)

733

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. Holmes: (shortened June 8 letter)
My bf Lucas is 45, doesn’t drink or smoke, single, no kids. Kahit bata pa, ilang beses na siyang nakulong. nagbago siya at naging Christian. Nagsama kami.

Nag-umpisa na din maglasing si Lucas. Noong bago pa lang maayos pa treatment niya sa akin. Nakailang buwan humi­ngi siya ng space.

Ang nakakalito is madlas syang nagti-text: Siya at inaalam niya kung nasaan ako. May oras na binabati lang niya ako, minsan niyayapos, minsan gusto ako matulog sa kanya. Pero nagba-bar siya at nakikipag-meet sa ibang babae.

Naki­pag-break ako at sabi ko we’re better off as friends.

Nag-start ako na makipag-date kay Tim (puti, single dad, stable). Napansin ni Lucas. Nagmamakaawa siya na bumalik sa kanya.

Dahil mahal ko siya at nadala na din sa awa siya pinili ko sya. Naniwala ako magiging maayos ang lahat. Pero patuloy pa siya sa pag-inom, nasaktan niya ako physically.

Umalis ako nang nalaman nya na nakipag-communicate ako sa dati kong bf.

Gusto niya ako bumalik sa kanya pero hindi na magi­ging maganda samahan naming. May oras na nagdadalawang-isip ako pero nandoon ang takot ko na lalo kaming hindi magiging ok.

Tama po ba naging desisyon ko na iwanan ko si Lucas? Sa ngayon open arms akong tinaggap ni Tim. Sandra

Dear Sandra:
Maraming salamat sa sulat mo. Malakas ang iyong pagmamahal at, malamang pagnanasa para kay Lucas, pero ang payo ko sa iyo ay huwag ka nang bumalik sa kanya. Ang dami mo nang beses na pinagbigyan siya, pero lagi ka niyang binibigo.

At nahalata mo ba na siya ay nagiging mabait at nagmama­kaawang bumalik ka sa kanya kung mayroon siyang karibal. Hindi ito magandang basehan sa isang relasyon. Alam kong mahirap, Sandra, pero kung kaya mong tibayan ang loob mo, mas gaganda ang buhay mo.

Mahirap hindi bu­malik sa kaniya ng mga 6, 12 o baka kahit 18 na buwan. Pero magiging madali ito habang tumatagal, tapos giginhawa ang buhay mo, kasi hindi ka na nakadepende sa kanya o sa kaht sinumang la­lake.

Kahit na maraming lalakeng nanliligaw sa iyo, at kahit malungkot rin na mag-isa, ako naman ang magmama­kaawa sa iyo na huwag kang tumalon sa bagong relasyon hanggang sa tapos ka na ng tunay at hindi na magdadalawang-isip kay Lucas. Alam ko mahirap, dearest Sandra, pero ‘yan lang ang paraan magiging ligtas ka sa epekto ni Lucas sa iyo. Ingat—MG Holmd
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Tonite tuwing Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.