Abante Tonite Interactive

Lucas at Tim

476

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes:
My bf Lucas is 45, doesn’t drink or smoke, single, no kids. Kahit bata pa, ilang beses na siyang nakulong. Nagbago siya at naging Christian.

Met him 2014 dahil magkatabi lang apartment namin. Mistress ako nun. We’ve been close. I could say attracted agad siya nung first time naming nagkakilala.

2017 nagpakita na si Lucas ng matinding motibo hanggang sa naapektuhan ang relationship ko sa bf ko. Tama naman kasi kabit lang ako.

Nagpumilit akong makipag break kay bf para kay Lucas. Nagumpisa na din maglasing si Lucas. Noong bago pa lang maayos pa treatment niya sa akin. Naka ilang buwan humingi siya ng space.

Ang nakakalito is nagti text siya at inaalam niya kung nasaan ako. May oras na nagkikita kami pero binabati lang niya ako, minsan niyayapos, minsan gusto niya doon ako matulog sa kanya. Pero nagba-bar siya at nakikipag meet sa ibang babae. Nakipag break ako at sabi ko we’re better off as friends.

Related Posts

Patay na kuko

Nagstart ako na makipag date kay Tim (puti, single dad, stable). Napansin ni Lucas na hindi ako umuwi. Inabangan niya ako sa work at nakita niya si Tim ang naghatid sa akin. Nagmamakaawa siya na bumalik sa kanya.

Dahil mahal ko siya at nadala na din sa awa siya pinili ko. Naniwala ako magiging maayos ang lahat. Pero patuloy pa siya sa pag inom, Lagi niyang binabanggit ang nakaraan kung nagtatalo kami. Nasaktan niya ako physically.

Hindi ko pa din siya iniwan. Hindi ko magawang layasan si Lucas . Until one day hawak niya cp ko at nakita niya na May communication pa din ako sa dati kong bf. This time umuwi si Lucas wala na ako wala na din mga gamit ko.

Gusto niya ako bumalik sa kanya pero sabi ko hindi na magiging maganda pa samahan namin dahil kagaya ng dati palagi kaming pagigitnaan ng nakaraan. Mag oras na nagdadalawang isip ako pero nandoon ang takot ko na lalo kaming hindi magiging harmonious and peaceful.

Tama po ba naging desisyon ko na iwanan ko si Lucas? Sa ngayon open arms akong tinaggap ni Tim. Sandra

***
Dr Holmes answer will be in tomorrow’s column.
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.