Abante Tonite Interactive

Lucena City nakapagtala ng 1 bagong COVID-19 positive

0 288

Matapos mag-zero active case ng ilang araw, balik ang Lucena City sa listahan ng may aktibong kaso nang makapagtala ng isang panibagong positibong kaso ng COVID-19 noong Biyernes.

Batay sa ulat, nagmula sa Brgy. ng Domoit ang panibagong kaso na pang-30 kaso sa lungsod.

Wala namang ibang detalye na inilabas ang city health office hinggil sa panibagong kaso pero nagsimula na ang contact tracing sa mga posibleng nakasalumuha ng panibagong pasyente.

Noong May 20 lamang, inihayag ng Lucena LGU na nakarekober at na-clear na ang lahat ng nagpositibo sa nakakahawang sakit sa lungsod na umabot sa 29.

Wala ring naitalang kaso ng pagkamatay ang Lucena sa lahat ng naging pasyente.

Samantala sa pinakahuling tala naman ng Quezon Integrated Health Office (IPHO) umakyat na sa 84 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan.

Subalit, 14 na lamang umano dito ang aktibong kaso matapos gumaling ang 63 sa mga pasyente habang 8 naman ang nasawi.

Mayroon ding 7 pa na ‘probable case’ samantalang may 1,087 naman ang suspected cases. (Ronilo Dagos)

Tonite – Wendys Inhouse Ad