Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lucero, UP kukuyugin uli Ateneo sa depensa

0 42

Batid ang bangis sa opensa ng Ateneo Blue Eagles, sinandalan ni Zavier Lucero at tropa sa UP Fighting Maroons ang mala-militar na depensa upang yanigin muli ng huli ang una sa Game 1 ng 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s basketball tournament best-of-three Finals.

Inungusan ng Fighting Maroons nitong Linggo ang reigning champions 81-74 via overtime upang halos maabot-kamay na ang pangalawang titulo sa liga, at una pagkaraan nang noon pang 1986.

Bumida sa Diliman-based squad sa ‘Battle of Katipunan’ sina Ricci Paolo Rivero na kumana ng 19 points, 4 steals, at 2 assists, at Lucero na nag-17 markers at 13 rebounds.

“Yeah, I think it’s tough on the defense for us, it’s just we know how good offensive Ateneo is, so its team really gonna lock in and play together on defense, and Carl (Tamayo) did a great job on plummin’ and all of our guys did a good job of trying to communicate and play through whatever we’re going through, and just play hard, so I’m happy,” litanya ni Lucero. “We showed last game the heart that this team has, so I’m glad we kept it goin’.”

Hinirit naman ni coach Goldwin Monteverde na maraming lulubog-lilitaw sa State U sa magkabilang dulo ng court, pero naging alisto ang hukbo hanggang sa huling saglit para madalawahang sunod ang katunggali.

Diskarteng Game 1 ang muling ilalalatag ng UP kontra ADMU sa Game 2 sa Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena pa rin. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.