Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lucio Tan nilaglag Chinese pakner

0 86

Pinahiwatig ng MacroAsia Corp. ng negosyanteng si Lucio Tan, na hindi pa buo ang joint venture nito sa China Communications Construction Co. Ltd. (CCCC) na naka-blacklist sa United States dahil sa sangkot umanot ito sa militarisasyon at pagtatayo ng artificial island sa West Philippine Sea.

Ka-partner ng MacroAsia ang CCCC sa gagawing Sangley Airport project sa Cavite na nagkakahalaga ng P550 bilyon. Pero ayon sa kompanya, “We have been completing the qualification documents for the award but the pandemic has delayed our processes, including the completion of JV documents prior to any signing of legal or financial contracts.”

Dagdag pa ng MacroAsia, sang-ayon sila sa sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na nakasalalay sa national government o administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung itutuloy ang proyekto o hindi.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi sumusunod ang Pilipinas sa direktiba mg Amerika dahil mayroong independent foreign policy ang bansa, bukod pa sa kailangan ng gobyerno ang mga investor galing sa China.

“Sangley and all other projects, kahit sino pong Chinese contractor iyan, tuloy-tuloy po iyan dahil ang pambansang interes natin ay masigurado na matapos po iyong flagship projects natin sa ilalim ng Build,Build, Build,” ani Roque. (Eileen Mencias/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.