Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lucio Tan pakner sabit sa korapsyon

0 129

Pinakakansela ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gobyerno ang kontrata sa Chinese company na partner ng isang kompanya ng bilyonaryong si Lucio Tan sa konstruksiyon ng Sangley Point International Airport sa Cavite.

“I urge for the immediate cancellation of the contract with Communications Construction Company Ltd. (CCCC) to build Sangley airport on the account of its questionable reputation. CCCC has a history of fraud and corruption,” sabi ni Drilon sa isang pahayag.

“We cannot just brush it aside. We cannot turn a blind eye on this,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Drilon, ang CCCC ay isa sa mga Chinese firm na nalagay sa blacklist ng US Department of Commerce dahil sa pagtatayo ng artipisyal na isla sa West Philippine Sea. Aniya pa, ban na rin sa World Bank (WB) ang CCCC dahil sa `corrupt practices’nito.

Napaulat rin umano na nagbigay ang kompanya ng `kickback’kay dating Malaysia Prime Minister Rajib kapalit ng kontrata para sa pagtatayo ng East Coast Railway Project.

Sa panahong iyon, napaulat na nag-suicide umano ang presidente ng CCCC na si Chen Fenjian dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.

Nauna nang nanawagan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kanselahin ang kontrata ng mga Chinese company na sangkot sa pagtatayo ng artipisyal na isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Drilon, hindi pa naman huli para ikansela ng gobyerno ang kontrata sa naturang Chinese firm.

“Given the dubious track record of CCCC, the only logical move here is to cancel the contract – no ifs and buts. A lucrative project such as the Sangley cannot be awarded to a company with such a bad track record,” diin ni Drilon.

Nabatid na ang unang bahagi ng Sangley airport project ay nagkakahalaga ng $10 bilyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.