Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lucky Savings liyamado

0 70

PINAPABORAN ng mga karera tipster ang kabayong si Lucky Savings sa ‘Philracom Road To Triple Crown’ stakes race na lalarga ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ayon sa ibang karerista, magaganda ang mga dating performance ni Lucky Savings.

“Magaling naman talaga si Lucky Savings pero matagal na walang karera baka nagbago ang takbo niyan. Para sa akin may panalo rin si Noon Bell,” wika ni Lizandro Althea na taga-Sampaloc, Manila.

Rerendahan ni class A rider Jessie Guce si Lucky Savings habang si star jockey Jonathan Hernandez ang gagabay kay Noon Bell sa event na nakalaan ang P300,000 premyo sa mananalong kabayo.

Ang ibang kalahok sa 1,500 meter race na inisponsoran ng Philippine Racing Commission ay sina Radio Gaga, Prettiest Star, Under Pressure, West Pointer at Redhead Dancer. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.