Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lucy bilib kay Ping

0 91

NI: ROLDAN CASTRO

Inilutang ni Rep. Lucy Torres-Gomez ang paghanga kay Partido Reporma standard bearer Ping Lacson

Matatag na liderato at solidong pundasyon ng moralidad. Ito ang naging deskripsiyon ng Ormoc City Congresswoman .

Ang positibong impresyon kay Lacson ay isiniwalat ni Torres-Gomez sa isang pagtitipon ng mga trainers sa nabanggit na lunsod na kinapapalooban ng 85 na kalahok-52 project officers at 33 na mga barangay healthcare workers .Sila ay pawang mula sa Ormoc City at ilang bayan sa kanlurang bahagi ng lalawigan ng Leyte.

Ipinunto rin ni Lucy na si Ping ay kabilang sa iilang mambabatas na hindi nasangkot sa korapsiyon. Malinis ang rekord sa larangan ng serbisyo publiko dahil na rin sa patuloy niyang hindi pagtanggap sa pork barrel.

Paalala ni Torres-Gomez sa mga botante, maging matalino sa pagpili ng mga iboboto sa 2022 . Isipin ‘yung may mga klarong solusyon sa mga problema at kakayahang mamuno sa ilalim ng kasalukuyang situwasyon ng bansa na nasa pandemya pa rin ang ihalal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.