Abante Tonite Interactive

Lucy bumuwelta sa nagsabit kay Goma sa droga

By ,
5

“We will see you in court.” Ito ang mensahe ng kampo ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez kahapon matapos idawit ang kanyang mister na si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa iligal na droga sa nasabing lalawigan.

Ginawa ni Atty. Alex Avisado Jr., abogado ng mag-asawang Gomez ang banta matapos pangalanan ni Chief Inspector Leo Laraga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 ang aktor na sangkot umano sa illegal drug.

“Mayor Richard ‘Goma’ Gomez, Cong. Lucy Torres Gomez and Board Member Matt Torres have always been against drugs. They are advocates of a clean, active and healthy lifestyle. They have not and will never get involved in drugs. They were resoundingly elected by the people of Ormoc and the 4th District of Leyte based on their solid anti-drug campaign,” ani Avisado.

“To those who are desperately trying to destroy their reputation you have been warned! Put up or shut up! We will see you in court!” ani Avisado.

Nauna rito, naungkat ang pangalan ni Gomez sa pagdinig ng Senado kahapon nang mag-usisa si Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III kay P/Chief Insp. Laraga, ang team leader ng CIDG region 8, na naghain ng search warrant laban kay Espinosa kung bakit sa Samar Regional Trial Court sila nag-apply ng search warrant at hindi sa Baybay, Leyte.

Ipinaliwanag ni Laraga na kaya sila hindi nag-apply ng search warrant sa Baybay ay dahil sa nag-iingat sila sa Espinosa drug group na kinabibilangan ng mga politiko sa lalawigan.