Abante Tonite Interactive

Lucy hindi buntis

687

Hindi pa magkakaroon ng kapatid si Juliana Gomez dahil klinaro na ng mag-asawang Richard Gomez and Lucy Torres that they’re not expecting another baby.

Naghinala kasi ang mga netizen na buntis si Lucy dahil sa post ni Goma na may ire-reveal sila on August 13 which turned out to be an endorsement pala.

Sa recent interview nina Goma at Lucy sa isang broadsheet writer, diretsong sinabi ni congresswoman na hindi raw siya pregnant.

Naintindihan naman ng mag-asawa ang suspetsa ng netizens dahil alam naman daw ng mga tao na noon pa nila gustong magkaroon ng isa pang anak.

Kaya sa tuwing magkakaroon daw ng mga announcement for revelation, laging inaakala na pregnancy ito.

Inamin din ng mag-asawa na up to now ay wino-workout nila na magkaroon ng isa pang anak lalo pa nga ngayon na 18 years old na si Juliana.

Sey naman ni Lucy, ito ay kung gugustuhin ni God na magkaroon pa sila ng anak.
***

Solenn walang morning sickness

Pregnancy topic pa rin, kasalukuyang nasa 4 1/2 na ng pagbubuntis si Solenn Heussaff sa first baby nila ng mister na si Nico Bolzico and so far, ayon sa aktres, it has been an easy pregnancy.

Sa kanyang blog ay ibinahagi ng “Love You Two” actress na ni wala nga raw siyang morning sickness na nararanasan.

“So far, it has been a pretty easy pregnancy. I don’t feel super out of place in my own body and there’s no morning sickness so far.

“I guess the biggest chan­ges are me just taking it easy with work, feeling busog all the time, and tasting iron (weird hahaha) whenever I eat.

“Now that the news is out, it feels extra nice to be sharing the journey with the peeps I love and so many who have supported our relationship for so long,” Solenn wrote.
Ipinahayag din ng aktres na happy siya that the pregnancy came at a time na ready na talaga sila ni Nico to have a baby. Two years nang kasal ang mag-asawa at lagi naman talagang sinasabi ng aktres noon na wala pa sa plano nila ang maka-baby dahil gusto pa nilang mag-enjoy sa marriage life nila.

“When you want to have kids, if you even want to have kids, is your choice.

There are A LOT of things to consider—your health, the health of the baby you will have, your partner’s and your career, and the timing of it all.

When to have children (if you want them) is a massive decision and it will lead to a lifetime responsibility. You don’t get to tap out of being a mom and a dad.

“That’s why it’s not something you should take lightly, so if you need time to make that decision and you have the time to sit on it, go and make the most of it.

“Honestly, I am glad Nico and I started trying to get pregnant when we were ready. And when it happened, we also got to share it with the world when we were ready,” pahayag ni Solenn.

Aiko-Wendell may something

Dahil sa tindi ng chemistry nina Aiko Melendez at Wendell Ramos na unang napanood sa “Wildflower” sa ABS-CBN na ipinalabas last year, hinihinala ng mga tao na may “something” sa kanila in the past.

Pero nilinaw ni Aiko sa presscon ng “Prima Donnas” kung saan ay magkasama na naman sila ni Wendell, na wala raw talagang “something” sa kanila at talagang magkaibigan lang sila.

Naniniwala naman kami dahil ang dating mister ni Aiko ay si Jomari Yllana na talagang matalik na kaibigan din ni Wendell at dati ay iisa ang manager nilang tatlo na si yumaong Douglas Quijano.

Natanong nga rin namin si Wendell sa presscon at siya man ay sumusumpang walang kahit anong naging “something” sa kanila ni Aiko dahil nga asawa ito ni Jomari.

“Parang magkakapatid lang kami kay Douglas Quiano, ‘di ba? Wala, wala talaga. Hindi talaga nagkaroon,” sey ni Wendell.

“Close kami ni Aiko noon eversince pero friends lang kami talaga,” dagdag pa ng aktor.

Noong time na nagsisimula raw siya ay made na si Aiko at dinatnan na niya ito sa kuwadra ni tito Douglas. Kaya walang-wala raw sa isip niya ang mga ganu’ng bagay since bago pa nga lang siya that time.

Parehong balik-GMA 7 sina Aiko and Wendell sa “Prima Donnas” na magsisimula na nga­yong Aug. 19 sa Afternoon Prime ng Kapuso network.